THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Isinagawa ang 11th Year Annniversary ng YES TO GREEN PROGRAM ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal noong ika-26 ng Setyembre, 2024 sa Ynares Center Provincial Capitol Grounds, Ynares Center Antipolo City kung saan personal na dumalo si Punong Bayan Wilfredo Robles at Liga ng Barangay. Ang nasabing makakalikasang flagship program ay nakapokus sa adbokasiya ng Cleaning, Greening at Recycling sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Rizal.
At sa pamamagitan ng inisyatibo at makakalikasang programa ni Mayor Willy na SAVE BARAS RIVER PROGRAM katulong ang Liga ng Barangay, Lokal na Tanggapan at bawat Barasenyo ay itinanghal na “Over-all Champion” ang Bayan ng Baras sa 2nd District of Rizal para sa 11th Anniversary ng YES TO GREEN PROGRAM.
Kinilala din ang mga Barangay at Institusyon sa ating Bayan:
• Lupon ng Tagapamayapa Awardeee- Brgy. Pinugay
• YES Gulayan sa Paaralan Awardee- Heroesville Elem School
• Greenest Barangay Awardee- Brgy. San Salvador
• Barangay Community Garden (Urban/Container) Awardee- Brgy. San Juan
MARAMING MARAMING SALAMAT PO GOVERNOR NINA RICCI A. YNARES AT PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG RIZAL PARA SA NAPAKAGANDANG PROGRAMA NA PATULOY NA NAGBIBIGAY INSPIRASYON SA BAWAT KOMUNIDAD NG AMING BANGGANDANG BAYAN! #SALUDOBARASENYO
Tunay na ang Diwa ng Bayanihang Barasenyo ay buhay at patuloy na nagbibigay tanglaw sa maayos, tapat at responsableng pamamahala tungo sa isang umuunlad at masaganang bayan!
“Kayang-kaya kung Tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”