THE OFFICIAL WEB PORTAL

Banggandang

BARAS

Province of Rizal

FLAG RAISING CEREMONY HOSTED BY PDAO

Noong Lunes ika-15 ng Hulyo, 2024 ay isinagawa ang Flag Raising Ceremony sa Baras Gymnasium sa pangangasiwa ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO). Dumalo sina Punong Bayan Wilfredo C. Robles, Vice Mayor KC Robles, Sangguniang Bayan Members, Liga ng Barangay, Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, mga Pinuno at kawani ng Lokal na Tanggapan, Senior Citizens, BFPWDs, Baras MPS, BFP, BJMP, BHWs, PSSF, SPES beneficiaries, bisita at panauhin.

DOLE | Silbing Panauhing Pandangal si Gng. Celia G. Ariola (Provincial Head) ng DOLE Rizal. Ibinahagi niya ang kagalakan na makapabigay ng serbisyo sa mamamayang Barasenyo gayundin ang mapanatiling maayos na ugnayan ng bawat ahensya. Iginawad din nina Mayor Willy, Vice Mayor KC at Sangguniang Bayan Members ang Plake ng Pagpapahalaga kay Gng. Ariola.

PASASALAMAT | Ipinaabot naman ni Punong Bayan Wilfredo C. Robles ang kanyang taos pusong pasasalamat sa DOLE-Rizal para sa patuloy na pagbibigay ng magaganang programa para sa lokal na pamahalaan. Hangad ni Mayor Willy na madagdagan pa ang allotment beneficiary’s ng TUPAD at SPES sa bayan ng Baras. Ibinahagi din niya ang pagpapahalaga sa ating kultura sa kabila ng mga pagbabago sa ating lipunan. Hinikayat nya ang bawat isa na patuloy na magsumikap upang mapalago ang sarili at makamit ang mga layunin sa buhay para sa isang matagumpay na hinaharap.

NDR WEEK | Ibinahagi naman ni Ms. Leah Mercado (PDAO Focal Person) ang pakikibahagi ng tanggapan sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week (formerly National Disability Prevention and Rehabilitation Week) na may temang “Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access” mula ika-17 hanggang ika-23 ng Hulyo.

Narito ang mga programang nakapaloob sa NDR Week:

• July 17 & 19 – Basic Sign Language Training

• July 18 – Health Program for PWD

MAO | Iginawad naman sa mga masisipag nating magsasaka ang Fertilizer Discount Voucher mula sa Rice Program ng Department of Agriculture Regional Field Office IV-A CALABARZON at Agricultural Program Coordinating Office (APCO).

“Kayang-kaya kung Tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”