THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Nagsimula na ang pagbisita ng 20,000 enumerators sa bawat tahanan sa buong bansa upang mangalap ng datos para sa 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System.
Inaasahan na ang bawat mamamayan sa mga barangay ay makikiisa at makikipagtulungan sa nasabing programa tungo sa pag-unlad ng makabagong Pilipinas. Layunin ng programa na mai-update ang “population count” (urban-rural classification) sa mga barangay sa buong bansa alinsunod sa RA 10625 o Philippine Statistical Act of 2013 at Community-Based Monitoring System (CBMS) na alinsunod naman sa RA 11315.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng isang technology-based system ng pangongolekta, pagproseso, at pagpapatunay ng data na magagamit sa pagpaplano at implementasyon ng mga programa ng gobyerno para sa targeted beneficiaries at pagsubaybay sa epekto nito sa pagbabalangkas ng mga epektibong plano at patakaran sa pagpapaunlad sa lokal at pambansang antas.
TANDAAN:
• Ang mga masisipag na enumerators ay nakasuot ng field uniform at ID.
• May dala silang forms kung saan itatala ang mga datos na makakalap sa bawat tahanan.
• Ang bawat grupo ay may barangay assignment para sa pagsasagawa ng census.
#𝐏𝐒𝐀𝐑𝐢𝐳𝐚𝐥#𝟐𝟎𝟐𝟒_𝐏𝐎𝐏𝐂𝐄𝐍𝐂𝐁𝐌𝐒#𝐊𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐤𝐚𝐒𝐚𝐏𝐚𝐠_𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝#𝐒𝐨𝐥𝐢𝐝𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬
“Kayang-kaya kung Tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”