THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Bumisita ang mga college students mula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP)-Department of Hospitality Management sa bayan ng Baras noong ika-11 ng Hulyo, 2024 upang mangalap ng datos para sa kanilang coursework na nakapokus sa tourism development strategies ng ating bayan.
Nagsagawa sila ng one-on-one interview kay Gng. Maricel C. Saladero (Acting-Municipal Tourism Officer) kung saan ibinahagi nito ang patuloy na pagpapaganda ng Baras Kasarinlan Eco-Park na itinuturing na kauna-unahang gender-sensitive park sa lalawigan ng Rizal. Matapos nito ay personal silang sinamahan sa Wawa Park para sa ocular visit dito. Bumisita din sila sa Diocesan Shrine and Parish of St. Joseph para sa faith tourism. Ito ang pinakamatandang Josephian church sa Timog Katagalugan at itinuturing naman na isa sa limang pinakamatandang simbahan sa buong Pilipinas.
MALIGAYANG PAGBISITA SA BANGGANDANG BAYAN NG BARAS!
Alamin, Tuklasin, Mamasyal at Magsaya!
“Kayang-kaya kung Tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”