THE OFFICIAL WEB PORTAL

Banggandang

BARAS

Province of Rizal

FLAG RAISING CEREMONY HOSTED BY OFFICE OF THE MAYOR

Isinagawa ang unang Flag Raising Ceremony ngayong ika-2 ng Enero, 2024 sa Bagong Liwasang Bayan.

Dumalo sina Punong Bayan Wilfredo C. Robles, Pangalawang Punong Bayan Kathrine B. Robles, Sangguniang Bayan Members, Liga ng Barangay, mga Pinuno at kawani ng Lokal na Tanggapan, Baras MPS, BFP, BJMP, PSSF, mga bisita at panauhin.

EARLY BIRDS |Bilang pagpapahalaga sa mga kawani ay naghandog ang lokal na pamahalaan ng grocery pack para sa mga early birds.

MENSAHE | Nagbigay ng Manigong Pagbati para sa taong 2024 si Punong Bayan Wilfredo C. Robles. Hangad niya na sa taong 2024 ay higit na maibigay ng bawat kawani ang “best public service” para sa bawat mamamayan. Ang pakikipagtulungan at pakikilahok sa mga gawain at programang bayan ay isang magandang halimbawa ng pagiging isang aktibo at responsableng mamamayan. Gayundin ang pagsunod sa mga umiiral na kautusan at batas. Dagdag pa niya, patuloy na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng magagandang proyekto para sa kapakinabangan ng bayan. Kayat sa pagsisimula ng taong 2024 ay gamitin nawa nating inspirasyon ang mga aral ng nakaraan upang maipagpatuloy natin ang mga magagandang plano, hangarin at pangarap para sa kasaganaan ng ating banggandang bayan!

PAGBATI | Naghandog naman ang lahat ng Maligayang Pagbati para sa mga kawani na nagdiriwang ng kaarawan ngayong buwan ng Enero.

“Kayang-kaya kung tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”