THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Noong ika-29 ng Disyembre, 2023 ay isinagawa ang Post Implementation Review (PIR) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council Program sa D’ One Resort.
Bumisita at nagbigay mensahe si Punong Bayan Wilfrtedo C. Robles at Kgg. Vergil F. Robles (SB Chaiperson on Public Safety and Order). Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Willy ang pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng lahat ng barangay sa bayan ng Baras para sa programa kontra illigal na droga. Bunsod ito ng maayos na pakikipagtulungan at pag aksyon ng mga kawani ng barangay. Gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bawat komunidad ng bayan. Dagdag pa niya, isang hamon naman sa mga bagong halal na punong barangay at bagong talagang barangay secretaries at mga kawani ang maipagpatuloy at mapagyaman ang mga nasimulang programa at proyekto. Ang maayos na pagpaplano at pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at kaugnay na ahensya ay makatutulong sa tagumpay ng mga programang pambarangay.
Ang pagsusuri ay bahagi ng post assessment sa pagpapatupad ng mga isinagawang proyekto upang matukoy ang pagiging epektibo nito. Ang PIR ay nagpapahintulot sa lahat ng miyembro ng barangay na magbigay ng mga feedback tungkol sa proyekto. Ito ay higit na makatutulong upang mapabuti pa ang serbisyo publiko.
“BARAS NAGKAISA, MAY DISIPLINA!”
“Kayang-kaya kung tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”