THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Masayang-masaya ang mga chikiting mula sa Baras Day Care Center sa kanilang pamamasyal sa mga lokal na destinasyon sa ating bayan at mga ahensya’t tanggapan ng pamahalaan noong ika-30 ng Nobyembre, 2023.
KABANSAAN TOUR | Muling isinagawa ang flagship program na Kabansaan Educational and Familiarization Tour para sa mga bright Day Care children kasama ang kanilang mga magulang at masisipag na child development workers.
Areas of Interest:
-Diocesan Shrine and Parish of St. Joseph
-Baras Elementary School
-New Municipal Building
-Baras Rural Health Unit (RHU)
-Municipal Evacuation Center
-MDRRMO
-Baras Municipal Police Station (MPS)
-Baras Fire Station
-BJMP Priority Area
-80th Infantry (STEADFAST) Battalion Tent Booth
-Baras Kasarinlan Eco-Park
BGB GOODIES | Magiliw naman nakipagkumustahan sina Pangalawang Punong Bayan Kathrine B. Robles at mga pinuno at personnel ng mga lokal na tanggapan at ahensya. Namahagi din ng goodies para sa mga cute na cute na chikitings.
KAALAMAN | Layunin ng isinagawang Kabansaan Tour na mabigyang pagkakataon ang ating mga kabataan na makalibot sa mga natatanging destinasyon ng ating bayan. Gayundin ang maipakilala sakanila ang ating mabubuting kaibigan mula sa hanay ng kapulisan, bumbero at sandatahang lakas. Sila ang mga tagapagpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan. Silbi din silang inspirasyon ng ating mga kabataan sa kanilang paglaki at pag abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.
HENERASYON | Ang pambayang programang handog gaya ng Kabansaan Tour na tanging sa bayan ng Baras isinagawa at pinagyayaman ay silbing pundasyon ng kaalaman at karapatan para sa kinabukasan ng ating mahuhusay na kabataan. Sakanila magsisimula ang pagbuo at pag ukit ng panibagong kasaysayan ng ating bayan. At inaasahan na sakanilang henerasyon magmumula ang susunod na magiting na lingkod bayan, mga propesyunal at responsableng mamamayan na patuloy na maglilingkod ng buong puso at katapatan!
Pambayang Programang Handog ni Mayor Willy C. Robles, Vice Mayor KC Robles at Sangguniang Bayan Members.
“Kayang-kaya kung tayo ay Sama-sama! Willy CaRes”