THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Ang Flag Raising Ceremony ay isinagawa noong ika-28 ng Nobyembre, 2023 sa Bagong Liwasang Bayan sa pangangasiwa ng Municipal Agriculture Office (MAO).
SAMA-SAMA | Dumalo sina Pangalawang Punong Bayan Kathrine B. Robles, Sangguniang Bayan Members, mga Pinuno at kawani ng Lokal na Tanggapan, Liga ng Barangay, Senior Citizens, Baras MPS, BFP, BJMP, Child Development Workers, BHWs, PSSF, mga bisita at panauhin.
PAG-UULAT | Ibinahagi naman ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang kanilang accomplishment reports at matatagumpay na gawain at programa ukol sa agrikultura.
CHILDREN’S MONTH | Nagkaroon naman ng photo opportunity ang mga Child Development Workers (CDW) bilang pakikiisa sa 2023 National Children’s Month na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All.” na nagbibigay pansin sa kahalagahan ng pangangalagang pangkalusugan, nutrisyon at tirahan sa pag-unlad ng isang bata. #BuwanNgMgaBata #2023ChildrensMonth
MENSAHE | Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Pangalawang Punong Bayan Kathrine B. Robles ang bunga ng pagsisikap at pagtutulungan ng mga ahensya, barangay, lokal na tanggapan at child development workers sa pagpapatupad ng mga child-friendly na mga patakaran, programa, proyekto, at serbisyo para sa kapakanan ng mga kabataan.
Ito ang silbing gabay sa patuloy na pagbibigay ng pagpapahalaga at proteksyon sa mga bata na siya namang nakapaloob sa disenyo ng Karapatang Pambata; Karapatang Mabuhay, Karapatang Maipagtanggol, Karapatang Makilahok at Karapatang Umunlad.
MATATANDAAN | Ang bayan ng Baras ay kabilang sa National Passer ng Child-Friendly Local Governance Audit sa Region IV-A CALABARZON. Ito ay bunga ng matagumpay na assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa pagpapatupad ng mga child-friendly na patakaran, programa, proyekto, at serbisyo sa bayan ng Baras na ayon sa limang indicators na siyang basehan sa pagpapanatili ng kahusayan. Ito ay ang Protection, Survival, Development, Participation at Governance na nakapalood din sa Seal of Good Local Governance (SGLG) Award ng DILG.
“Kayang-kaya kung Tayo ay Sama-Sama!