THE OFFICIAL WEB PORTAL

Banggandang

BARAS

Province of Rizal

BARAS MUSIC FESTIVAL 2021

BARAS MUSIC FESTIVAL 2021 featuring BTAG Artists!

Isang makulay at masayang gabi ang inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Baras at mahuhusay na miyembro ng Barasenyo Theater Arts Group (BTAG) noong Biyernes, Disyembre 3, 2021 sa Grandiosong YES Christmas Tree at engrandeng bulwagan ng Sangguniang Bayan ng Baras.

Itinampok ng talentadong BTAG artists ang mga pamaskong awitin na tumatak at kinasabikan ng bawat mamayan sa ating bayan. Ang mga manonood ay talaga nga namang buong pusong nakiisa, nagsaya at nakisabay sa mga awitin at musika na handog ng grupo.

TULOY NA TULOY ANG PASKO SA BANGGANDANG BARAS!

“Kaunlaran ng Communidad ng Baras ang pRayoridad”

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa link na ito: https://www.facebook.com/LGUBarasRizal/posts/647859719969918