THE OFFICIAL WEB PORTAL

Banggandang

BARAS

Province of Rizal

BINYAGANG BAYAN 2021

Sa ating pakikipag ugnayan sa St. Joseph Parish Church ay idinaos ng maayos at payapa ang Binyagang Bayan 2021 noong ika-19 ng Marso. Pinangunahan ni Rev. Father Rodney Cruz (Punong Tagapagdiwang) ang seremonya. Pitumpu’t limang (75) sanggol / kabataan ang tumanggap ng bautismo. Dumalo naman sina Mayor KC Robles at SB Member Kgg. Mario P. Menodza na siyang nagsilbing ninong at ninang. Ang mga bininyagan ay tumanggap ng espeyal na token mula sa pamahalaang bayan. Ang Binyagang Bayan ay isa sa mga pambayang programang handog ng lokal na pamahalaan. Ito ay bahagi ng Ika-100 Taon Pagdiriwang ng Baras bilang isang ganap at malayang bayan. Katuwang ng Municipal Civil Registry Office sa nasabing gawain.

“Kaunlaran ng Communidad ng Baras ang pRayoridad”