THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Noong, ika-1 ng Disyembre, 2025, ay naging makabuluhan ang simula ng linggo sa Bagong Liwasang Bayan sa isinagawang Flag Raising Ceremony. Ang seremonya ay matagumpay na pinamahalaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Suot ng mga kawani ang makukulay at natatanging ASEAN-inspired uniforms.
Iginawad ang sertipiko sa mga kawani na dumalo sa nakaraang Hr Office nagbgay certificate sa mga nagtraining ng the art of hosting
Ipinakilala naman si Henry Dela Torre Jr. (Baras Sikaran) na kinatawan ang bayan ng Baras, Rizal at kabilang sa delegado ng Pilipinas sa 14th ASEAN School Youth Games 2025 held in Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam. #SaludoBarasenyo
Iginawad din sa mga mahuhusay na manlalarong Barasenyo ang gantimpala buhat sa nakaraang Inter-Barangay Sports League. Congratulations!
Kasunod nito ang Awarding of Certificate of Livelihood Assistance para sa miyembro ng Baras LGBTQIA+ community buhat sa Community Affairs Office (CAO).
Inihandog naman sa fisherfolks ang Fuel Subsidy mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Fuel Subsidy mula sa Department of Agriculture-High Value Program para sa high value rice farmers beneficiaries.
Nagbigay paanyaya naman ang Municipal Health Office para sa pagsasagawa ng 2025 World AIDS Day Celebration sa Baras Gymnasium bilang kasunod na gawain sa araw na iyon.
Ang matagumpay na Flag Raising Ceremony ay nagbigay-daan upang simulan ang trabaho ngayong linggo, at nagbigay ng mahalagang paalala sa lahat tungkol sa tungkulin para sa bayan alay sa mga mamamayan.
“KAYANG-KAYA KUNG TAYO AY SAMA-SAMA! Willy CaRes”