THE OFFICIAL WEB PORTAL
Banggandang
BARAS
Province of Rizal
Isang gabi ng pag-asa ang naganap sa Bagong Liwasang Bayan ng pormal nang inilawan noong ika-25 ng Nobyembre, 2025 ang Baras 2025 YES Christmas Tree, Belen, at ang buong Municipal Faรงade.
๐ก๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐๐ถ ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ฟ ๐ก๐ถ๐ป๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐ฐ๐ฐ๐ถ ๐. ๐ฌ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐, ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฌ๐๐ฆ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐บ. ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฝ๐ผ๐ป-๐๐ถ๐ฝ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐ถ๐ต๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ผ๐ป๐๐ฎ.
Hindi rin nagpahuli sa pagpapasaya ang Saturday Women’s Aerobics Club (SWAC), na naghatid ng isang nakaka-indak na espesyal na bilang.
Ang 2025 Baras YES Christmas Tree at Belen ay nakatayong matayog bilang matibay na simbolo ng ating buong-pusong pagsuporta sa adbokasiya ng Ynares Eco System (YES), ang makakalikasang pangakong pangalagaan at buhayin ang ating kalikasan na isinusulong din ng Save Baras River Program at K-Palit Program.
Mula sa upcycled at recycled na materyales gaya ng mga bao ng niyog na ginamit bilang pundasyon, mga PET bottles na muling binigyan ng hugis bilang bulaklak, mga tinabas na karton bilang Imahe at sanga ng punong kahoy na nagbigay-istruktura sa Belen, hanggang sa mga parol na ginamit noong taong 2023 na muling kinulayan ng pula at luntian na pinagsama-sama upang ipakita ang kolektibong pag-asa at pagdiriwang ay maaari at dapat na maging eco-friendly. Ito ay hindi lamang liwanag sa Pasko, kundi tanglaw ng ating pagkakaisa at pananagutan sa kinabukasan ng ating Inang Kalikasan.
Ang proyektong ito ay isa ding mahusay na halimbawa kung paano maaaring ipagdiwang ang kultura at sining habang isinasabuhay ang prinsipyo ng SDG 12 (Responsible Consumption and Production), na sinusuportahan ng SDG 11 (Sustainable Cities and Communities) at SDG 13 (Climate Action). Ang proyekto ay nagpapatibay sa pagkakaisa ng komunidad, pagpapayaman sa kultura at pamana, pagsuporta sa lokal na adbokasiya gaya ng Ynares Eco System (YES), Save Baras River Program at K-Palit.
Para sa Bayan, Alay sa Inang Kalikasan,
ALAMIN, TUKLASIN, MAMASYAL AT MAGSAYA
TARA NA SA BANGGANDANG BARAS!
โKAYANG-KAYA KUNG TAYO AY SAMA-SAMA! Willy CaResโ