THE OFFICIAL WEB PORTAL

Banggandang

BARAS

Province of Rizal

Plaque of Recognition for Mayor Robles

Kinilala si Mayor Kathrine “KC” B. Robles bilang isa sa mga Awardees sa lalawigan ng Rizal sa isinagawang Virtual Ceremony para sa 30th Anniversary Celebration ng Bureau of Fire Protection Region- 4A (CALABARZON) na may paksang “Salamin ng Nakaraan, Larawan ng Kinabukasan” ngayong araw ng Biyernes, Agosto 27, 2021.

Ang pagkilala ay bilang Pasasalamat ng ahensya sa bukas palad na tulong at suporta para sa mga pangangailangan ng BFP Baras Sub-Station na ipinagkaloob naman ng Pamahalaang Bayan ng Baras.

Ang Plaque of Recognition ay handog ng Bureau of Fire Protection Region – 4A (CALABARZON), Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna na nilagdaan ni Roberto M. Genave, SSUPT (DSC) (BFP Regional Director), na siya namang iginawad ngayong araw ni INSP PABLO F VITE (Acting-Municipal Fire Marshall), SFO1 Ryan P. Marcos, FO1 Diosa Nice M. Santos ng BFP Baras Sub-Station.

#SALUDOBARASENYO

“Kaunlaran ng Communidad ng Baras ang pRayoridad”